magbuhos ng tapang sa bawat pagsubok. alalahanin ang kapakanan ng sarili at kasama. lalong-lalo na ang malate at ang mga alagad nito. alipustahin ang pag-aalinlangan at kabalintunaan. takasan ang katamaran. bigyang-buhay ang sining ng katawan. ipangako: estado ko ang salita, ang talinhaga, ang kulay, ang katotohanan.
ligaya ko ang makipagtitigan sa nakadilat na buwan. ibig ko'y maging ginto ang palad ng pulubi sa daan. tanod ko ang diyos, anod ng kaniyang mga utos.
filipinas ang hanggahan ng aking pangarap. okasyong dapat ipagdiwang ang makapaglimbag ng mga likha. lahat ng ito'y hindi lang mapupuntod sa salita. itataas sa ulap ng tagumpay; iaalay sa kamay ng mortal. oras ang siyang magbibinyag: ang sining ko'y sadyang banal.