guesswork
i. guess what?
straight from the pages of the malate logbook, with no cuts or edits, aside from the italicization:
Dear Loi,
Hello. Kamusta ka na?
Alam mo, naisip ko lang kahapon, mas masarap palang kumain kapag gutom. Seryoso.
Ano ang masasabi mo sa ginawa ni GMA. Ang liit nya 'no? Parang ako. Siguro dapat maging best friend ko siya.
Sabi sa akin dati ni mama, mukha daw akong bading kapag nakasuot ng dangling na hikaw. Totoo ba? Sana oo.
Dati, kumakain ako, si Mama, at si Papa sa lamesa. Nauna akong natapos kaya umalis na ako. After 5 minutes, pinuntahan ako ni Papa at sinabing "Anak, kumain ka na?"
Loi, dalaga ka na. Siguro panahon na para pumunta ka na sa ano. Sa Ponti at kung saan man ang gugustuhin mong party place. May nagsabi sa akin dati na nagpupunta ka daw dun. Sana naman ako sa susunod.
Sige na.
Gusto ko din mag-foam party. Para maraming ano. Foam.
Loi, sige hanggang dito na lang. Sana ay maging masaya ang buhay mo. Sana manatili kang mabait na kaibigan.
(Huwag mo sana kalimutan ang foam party.)
Sige, paalam.
Nagmamahal,
Robert ♥ii. guess who?
"Class, 'yung iba sa inyo ang titigas ng ulo. Gusto talagang dumaldal! Ano na lang gagawin ko, ha? Pipikit na lang ba ako? O sige."clue: this professor inadvertently uploaded the answers to an assignment along with the questions. most students still solved the problems manually, though, since we'd assumed that the said professor's solutions were erroneous, as usual.
sige ingat.ü